Magtatagalog ako... ng bahgya

Sa panahong ito, ang pagsusulat ay ginagamitan na ng maliit at malalaking titik, dinadagdagan ng mga letra, at pinapalitan ang ispeling. Kakaiba ang pamamaraan ng pagtuturo. Nababago ang pakikitungo sa nakakatanda. At napalitan ang metapora ng pick-up lines.... Nakakabaha na ang mga kaganapan sa mundong ating ginagalawan.

Dahil dito, nais kong isalaysay ang aking karanasan kagabi. Nang ako'y patungo sa aking destinasyon, nakaupo sa dulo ng isang pampublikong sasakyan ay may isang batang sumakay. Ang batang ito ay may hawak na patalim at nagdambit ng mga salitang hindi naangkop sa kanyang edad. Siya ay nag-wikang, "walang kikilos ng masama" sabay turo sa patalim. Tumingin sa akin ang musmos at muling nagsalita, "Akin na yung bag mo" at kanya pa itong inulit, "Akin na ung bag mo". Sa aking pagkagulat, wala akong nabitawang salita. Siya'y aking tinitigan. Un lang ang aking nagawa. Siya ay muling nagwika, "joke lang ate" ngumiti, sabay baba sa jeepney. Ang batang dapat ay libro ang hawak, may hawak na patalim. Pakalat-kalat sa lansanggan na dapat ay nasa tahanan. Nakakabahala. Nasaan na ang mga kabataan na sinabi ng ating pambansang bayani na pag-asa ng bayan? Saan na tutungo ang ating Inang Bayan?

Comments